Sabado, Agosto 16, 2014

ang aking impresyon sa digmaan sa gitnang silangan

Ang Aking Impresyon Sa Digmaan Sa Gitnang  Silangan
  Sa pagitan ng labanan bansang Libya at Israel ay  maraming mga nasawi na tao,mga babae't lalaki,mga bata't matatanda.Pero wala paring tigil ang putukan sa pagitan ng naglalabanang bansa.Naawa man ako sa mga pamilyang nangungulila sa kanilang mga kaanak na nasawi ay wala naman akong magagawa.Ang pangyayaring ito ay bumulaga hindi lang sa maraming tao kundi sa buong mundo.

  Maraming mga Pilipinong OFW na gusto ng umuwi sa kanilang mga pamilya.Ang iba na nasa evacuees center ay sinusundo ng mga eroplano ng Philippines Airlines pauwi sa kani-kanilang mga kaanak sa Pilipinas.Naaawa ako sa mga Pilipinong hindi makauwi sa kanilang mga pamilya dahil nag-aalala at nangangamba na hindi na makauwi ang kanilang mga kaanak na nasa bansa ng Libya at Israel.


Ang mga balitang ipinalalabas sa T.V. na puro labanan ng dalawang bansa na sa araw-araw na aking napapanood,hindi ko nais na ito'y pagtawanan.Siguro ang mga may mga matitigas na puso ay nagagawa ito


 Sa aking mga pinag-kuhanan ng mga impormasyon hiningi ng United Nations ang tigil-putukan sa digmaang nagaganap sa pagitan ng Israel at Palestino na sa araw-araw ay tumataas ang bilang ng mga namamatay.Matindi rin ang tension sa Libya at puwersahan nang inililikas ng ating embahada ang tinatayang 13-libong Pilipinong nagtatrabaho roon. Sa katunayan, isa nang Pinoy ang biktima ng karahasan sa naturang bansa na dinukot at pinugutan ng ulo.Isama pa riyan ang pagpapakita ng lakas ng ibang bansa tulad ng China na sumasaklaw sa teritoryo ng ibang bansa sa West Philippine Sea.

 Hindi ako makapaniwala sa aking mga nakuhang impormasyon dahil  ako ay nalulungkot sa mga nawalan ng kanilang mga mahal sa buhay.Gusto ko mang pigilan ang mga naglalabanan ngunit wala ako magawa dahil nandito ako at nanonood sa telebisyon.