Biyernes, Setyembre 5, 2014

 MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA ASYA

Ayon sa aking narersearch ang unang kabihasnan o sibilisasyon.Ang sibilisasyon ay isang pagbabago ng isang lugar pagdating sa kaunlaran nito.Nagmula ang sibilisasyon sa salitang Latin na civis na ang ibig sabihin ay isang taong naninirahan sa isang bayan. Sibilisado ang mga tao kapag tinipon nila ang kanilang mga sarili upang maging isang matatag at mabisang pangkat, sa halip na gumagalaw ng magkahiwalay o bahagi lamang ng isang triboInaasahan nating makikilala ang alin mang kabihasnan sa pamamagitan ng kanilang wika, sining, arkitektura, edukasyon, at nakamit na gawaing intelektuwal, pamahalaan, at kakayahan makapagtanggol ng sarili.Kada”lasang ginagamit ang kabihasnan bilang kasingkahulugan ng mas malawak na salitang “kultura”o”"kalinangan”
 
Sa aking palagay,ang kabihasnan ay bagay bagay na ating ginagamit sa kasalukuyan.Sumasalamin dito ang pamumuhay ng ating mga ninuno ng mga nakaraan.Ang ating mga ninuno ay nakatira sa mga kweba,ginagamit nila ang mga dahon,mga bato,at mga gamit na makukuha sa ating kalikasan upang sila ay makapagsulat.Kaya ito ang ginagamit ng ating mga ninuno dahil wala pa sa panahon na iyon ang modernasisasyon at ang teknolohiya.
 uling_or_charcoal-1392190063-781-e.jpg (381×284)
Ang uling ay isa ring kagamitan upang sila ay makapagsulat.Sakasalukuyan,ginagamit natin itong pang-halili sa ating pinaglulutuan.
  jpeg (275×183)
Ito ay isang piraso ng dahon na kung saan dito inihahayag ang kanilang mga isinulat.Kung sa kasalukuyan ay papel ang ating ginagamit para isulat doon ang nais nating isulat.
  images (259×194)
Ito ay mga bato na kadalasan nating nakikita sa ating dinaraanan,ngunit ang piraso ng mga bato na ito ay ginagamit ng ating mga ninuno upang sila ay makapagsulat sa mga pader.
  m-524074.jpg (400×267) jpeg (275×183) pinsaka.jpg (378×238)
Ang kanila namang ginagawa upang sila ay makakain sa araw araw,sila ay nangangaso kung ang tirahan nila ay nasa kabundukan o sa kagubatan.nangingisda naman kung ang kanilang tirahan nila ay malapit sa tubig o sa karagatan.Nagtatanim din sila ng mga gulay,prutas,at palay kung ang tirahan nila ay nasa patag ang lupa o kapatagan.
 
Kung may teknolohiya na makakabalik sa nakaraan hindi ako mag-aatubili na sumakay at bumalik sa nakaraan dahil hindi ko kakayanin na mamuhay sa ganoong paraan.
 
Etoh ang aking nagawa tungkol sa kauna-unahang kabihasnan sa kontinente ng asya.Ayon ito sa aking mga napag-aralan sa mga nagdaang mga taon.
 

Sabado, Agosto 16, 2014

ang aking impresyon sa digmaan sa gitnang silangan

Ang Aking Impresyon Sa Digmaan Sa Gitnang  Silangan
  Sa pagitan ng labanan bansang Libya at Israel ay  maraming mga nasawi na tao,mga babae't lalaki,mga bata't matatanda.Pero wala paring tigil ang putukan sa pagitan ng naglalabanang bansa.Naawa man ako sa mga pamilyang nangungulila sa kanilang mga kaanak na nasawi ay wala naman akong magagawa.Ang pangyayaring ito ay bumulaga hindi lang sa maraming tao kundi sa buong mundo.

  Maraming mga Pilipinong OFW na gusto ng umuwi sa kanilang mga pamilya.Ang iba na nasa evacuees center ay sinusundo ng mga eroplano ng Philippines Airlines pauwi sa kani-kanilang mga kaanak sa Pilipinas.Naaawa ako sa mga Pilipinong hindi makauwi sa kanilang mga pamilya dahil nag-aalala at nangangamba na hindi na makauwi ang kanilang mga kaanak na nasa bansa ng Libya at Israel.


Ang mga balitang ipinalalabas sa T.V. na puro labanan ng dalawang bansa na sa araw-araw na aking napapanood,hindi ko nais na ito'y pagtawanan.Siguro ang mga may mga matitigas na puso ay nagagawa ito


 Sa aking mga pinag-kuhanan ng mga impormasyon hiningi ng United Nations ang tigil-putukan sa digmaang nagaganap sa pagitan ng Israel at Palestino na sa araw-araw ay tumataas ang bilang ng mga namamatay.Matindi rin ang tension sa Libya at puwersahan nang inililikas ng ating embahada ang tinatayang 13-libong Pilipinong nagtatrabaho roon. Sa katunayan, isa nang Pinoy ang biktima ng karahasan sa naturang bansa na dinukot at pinugutan ng ulo.Isama pa riyan ang pagpapakita ng lakas ng ibang bansa tulad ng China na sumasaklaw sa teritoryo ng ibang bansa sa West Philippine Sea.

 Hindi ako makapaniwala sa aking mga nakuhang impormasyon dahil  ako ay nalulungkot sa mga nawalan ng kanilang mga mahal sa buhay.Gusto ko mang pigilan ang mga naglalabanan ngunit wala ako magawa dahil nandito ako at nanonood sa telebisyon.